Mavy Larawan: Mavy Legaspi/IG

Mavy, Kyline inuurirat na hiwalay na

November 28, 2023 People's Tonight 271 views

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang mga misteryosong post ng Kapuso stars na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, na nagpapahiwatig umano ng posibleng hiwalayan ng dalawa.

Sa Instagram post ni Kyline Alcantara, binuo niya ang isang talata na naglalarawan ng mga katangian tulad ng “Thick Skin. Clear Boundaries. Airplane Mode. Close Friends. Savings. Self Care. Strong Focus. Self Appreciation.” Isa pa, may post siya na may caption na “I knew it,” na nagdulot ng pangamba sa ilang netizen.

Para sa ibang netizens naman, ang mga post na ito ay nagpapahiwatig ng hiwalayan nilang dalawa. Kahit hindi pa man kumpirmado, nagpahayag naman ng simpatya ang ilang netizens.

Noong Nob. 25, nagbahagi si Alcantara ng post tungkol sa paglalaro ng tennis na may caption na “time to start anew… 🎾.”

Samantala, nagpadala naman ng mensahe si Carmina Villaroel, ina nina Mavy at ng kanyang kambal na si Cassy Legaspi.

Sa isa sa kaniyang post noong Nob. 25, ipinarating ni Villaroel ang kanyang mensahe para sa dalawa gamit ang larawan ni Nelson Mandela, dating lider ng South Africa.

“Dear Mavy and Cassy, people can destroy your image, damage your personality, create rumours about you but they can never take away your good deeds,” ani Carmina.

Sa iba pang post, ibinahagi ni Villaroel ang isang art card na may nakasulat na “Mom knows best.”

AUTHOR PROFILE