
TIKTOK STAR OF THE DAY
“I’M the person you don’t want to mess with,” ang sey ng rising TikTok star na si Leanne na hindi papakabog pagdating sa pagbibigay contents sa nasabing social media platform.
Si Leanne Ivy Zackary o kung minsan ay kilala ng kanyang mga social media followers bilang “hershey” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.
Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong higit 131 thousand followers at higit 530 thousand likes sa kanyang account na may username na @leanneivyzackary. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @zackary_lean02, na mayroon nang halos two thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page ay mayroong higit 4.7 thousand followers ngayon.
Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body, lip syncing skills, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pasayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.
Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Leanne sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.