
Bong Go umayuda mga iskolar ng TESDA sa Daet
PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang 150 scholars na kasalukuyang naka-enrol sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) program sa Daet, Camarines Norte.
Ang educational venture ay pinasimulan sa pakikipagtulungan ng Philippine Academy of Technical Studies, Inc (PATS).
Bilang bahagi ng kanyang suporta, binigyan sila ni Go ng masks, panulat, at kamiseta sa MT2 Events Place sa Daet, Camarines Norte. Nakatanggap din ang mga piling benepisyaryo ng sapatos, cellphone, at bola para sa basketball at volleyball.
Sa kanyang video message, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng Technical and Vocational Education and Training (TVET) sa bansa.
Aniya, ang TVET ay layong itulay ang agwat sa mga kasanayan at tiyaking ang lahat ng Pilipino, anuman ang kanilang economic background, ay may magkaroon ng pagkakataon sa mga kaugnay at in-demand na kasanayan na magbibigay-daan sa kanila na makakuha ng magandang trabaho at makapag-ambag sa pangkalahatang paglago ng ekonomiya ng bansa.
“The skills and knowledge you have acquired here will be your foundation for success in your chosen field,” sabi ni Go.
“Your dedication, hard work, and determination have truly paid off, and you stand as shining examples of the power of education and skill development. Through your commitment, you have not only enhanced your own capabilities but also contributed to the growth and progress of our nation,” dagdag niya.
Inihain ni Go ang Senate Bill No. (SBN) 2115 na naglalayong i-institutionalize ang TVET gayundin ang livelihood programs para sa rehabilitated drug dependents.
Ang panukalang batas ay naglalayong magbigay ng pagsasanay upang mapahusay ang kakayahang magtrabaho ng mga dating drug defendents upang muli nilang maisaayos ang kanilang buhay at magkaroon ng ambag sa kanilang mga komunidad.
“Rehabilitation alone is not enough. By institutionalizing technical-vocational education and training programs, we empower rehabilitated drug dependents with skills for a better future,” anang senador.
Bilang chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, hinimok ni Go ang mga may problema sa kalusugan na humingi ng serbisyo ng Malasakit Center sa Camarines Norte Provincial Hospital sa Daet.
“Sa mga pasyente, lapitan niyo lang ang Malasakit Center dahil para ‘to sa inyo. Kung may hospital bill kayo, nandiyan ang mga ahensya ng gobyerno na tutulong para mabayaran ito,” ani Go.