Kim

Kim, binisita si Kris sa Amerika Bimby, tulay sa pagbabalikan nina Kris at VG Mark

October 18, 2023 Vinia Vivar 309 views

Nakaka-touch ang video na ibinahagi ni Kris Aquino sa Instagram. Ito ay ang pagbisita sa kanya ni Kim Chiu sa Amerika kamakailan.

Makikita sa video na tuwang-tuwa si Kimmy nang makita ang kanyang Ate Kris at ramdam na ramdam ang genuine concern niya habang tinatanong kung kumusta na ito.

Caption ni Kris sa video, “reunion with my #panganay” since itinuturing niyang panganay na anak si Kim mula nang maging close sila.

“All i can say is i love you, i super appreciate your effort to visit, and even if it was a gloomy day, you were the much needed reminder that after all the storms, we can look forward to a RAINBOW…,” ang mensahe pa ni Kris kay Kim.

Aniya, nabawasan ng 50% ang kanyang pain dahil sa treatment na ginagawa sa kanya nang makita niya si Kim.

“I’ve missed you, as in SUPER. 50% less yung sakit nung biological injectable ko at 1 PM after seeing you, please visit again & often? Diba may bedroom ka na? Thank you for until now (16 years & counting) genuinely caring for & trusting me; super sad your ka-birthday because he arrived 10 mins after you left,” sabi ni Kris.

Ikinuwento rin niya na ang kumuha ng video ay si Batangas Vice Governor Mark Leviste at ito rin ang kinontak ng ate ni Kim para i-coordinate ang pagbisita ng aktres.

Kris confirmed na okay na naman ang relasyon nila ni Mark at sana raw ay magtuluy-tuloy ito. Pinasalamatan niya ang bunsong anak na si Bimby who seemed to play a vital role sa reconciliation nila ng politiko.

“Videographer & the person kimmy’s ate contacted to coordinate was vice gov @markleviste — we’ve both learned from our mistakes… with God’s help sana tuloy tuloy na yung harmonious and supportive relationship namin.

“Thank you bimb for helping us realize all the things we needed to repair in order to strengthen our commitment,” sey ni Kris na matatandaang nag-anunsyong break na sila ni Mark just two weeks ago.

Sa huli ay nagpasalamat si Kris sa mga nagdarasal para sa kanya at ibinahagi ang magandang balita na slowly ay may improvement na sa kanyang kalusugan.

“Thank you to all of you who are praying for me, slowly gumaganda my numbers. That’s because of the power of our collective prayers. God’s rewarding our #faith. Roughly 15 more months of treatment, but i’m alive and hopeful; tuloy ang LABAN, bawal sumuko. #grateful,” pagtatapos ni Kris.

AUTHOR PROFILE