Robin

Vintage ‘kissing photo’ nina Robin at Liezel, ibinandera ni Kylie sa social media

October 18, 2023 Vinia Vivar 267 views

Ipinost ni Kylie Padilla sa kanyang Instagram Story ang lumang magazine kung saan ay cover ang kanyang mga magulang na sina Robin Padilla at Liezel Sicangco.

Makikita sa Romances magazine na masuyong naghahalikan sa lips sina Robin and Liezel at may cover story na “Idini-display na ni Robin Padilla si Liezel Sicangco! At ang sweet-sweet nilang dalawa!”

Obviously, the magazine was published during the height of Robin and Liezel’s relationship.

Sa caption ay nagpasintabi na agad ito sa kanyang ina na huwag magalit at nagpaliwanag kung bakit niya ito ipinost.

“Mama don’t be mad nyahaha. Bilang kayo ang aking mga magulang natuwa akoooo and it’s so vintage,” ani Kylie.

May disclaimer din ang aktres na wala siyang intensyong maka-offend ng kahit sino.

“Not meaning to offend anyone hihihi it’s just so cute,” paliwanag ng pangalawang anak nina Robin and Liezel.

As everybody knows, matagal nang hiwalay sina Robin at Liezel at masaya na sa kani-kanilang mga bagong pamilya.

AUTHOR PROFILE