
BABY LUCCA, AYAW DUMEDE KAY KRIS
Humingi ng tulong si Kris Bernal sa mga netizen dahil sa kanyang problema sa baby nila ni Perry Choi na si Hailee Lucca.
Ayon sa aktres, ayaw dumede sa kanya ni Lucca at sobrang napakasakit nito para sa kanya.
“My baby is having nipple confusion. I don’t know how it happened. And it breaks my heart that she’s already having difficulties latching onto my breasts!
“Ang sakit-sakit! I cry everytime she refuses!” pagbabahagi ni Kris sa Instagram Story.
Dahil dito ay kinukuwestiyon na niya ang sarili kung mabuti ba siyang ina.
“What did I do wrong? Huhu! Ang dami ko ng doubts sa sarili ko kung nagiging mabuti ba akong ina o hindi,” aniya.
Sa ibaba ay may box na “send help” which means humihingi siya ng payo or suggestions mula sa netizens.
Hopefully ay maraming nagpayo at tumulong kay Kris para ma-solve ang kanyang problema.