Sharon2

Sharon, walang pakialam magmukhang fan

October 16, 2023 Jun Nardo 260 views

NAGPAKA-FAN girl muna ni Sharon Cuneta bago sumabak sa rehearsals niya para sa Dear Heart: The Concert nila ni Gabby Concepcion upang makaharap nang personal ang K-pop idol niyang si Taemin ng grupong Sninee sa fan meet nito sa MOA nito kamakailan.

“Naiyak ako!” bahagi ng caption ni Shawie habang kasama sa picture ng idolo.

Bahagi naman ng isang caption ng Megastar, “’Di ko kinaya itoooooo! I didn’t make a request but God was watching me!!!

“Thank you so much Taeminsss!!! You are so nice and humble and more handsome in person!!!

“Like I promise, I will always pray for you!!! God bless”

Basta may iniidolo si Sharon, wala siyang pakialam sa sasabihin ng tao sa pagkagusto niya sa K-pop star o Hollywood star man ‘yan.

LALABANAN ANG REKLAMO

ANG Vivamax sexy star na si Angeli Khang ang bagong idinemanda ng grupong Kapisanan ng Social Media Brodcasters ng Pilipinas.

Dahil daw ito sa pinu-post na “explicit scenes” ni Angeli sa kanyang social media account.

Gaya ng ibang sinampahan ng kaso ng grupo, handang lumaban si Angeli.

Sa paglabas ng report sa demanda, may lumabas namang picture ang manager niya kasama ang namamahala sa grupo at umano’y adviser siya ng grupo, huh!

AUTHOR PROFILE