Juliever

BOY, KUKUNING NINONG NG JULIEVER

October 16, 2023 Vinia Vivar 213 views

True kaya na habang nasa Israel sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose ay naisipang mag-propose ng aktor sa girlfriend?

Ito ang isa sa mga itinanong ni Boy Abunda kay Rayver sa guesting ng JulieVer sa kanyang GMA show.

“Ikaw, Rayver, hindi ka ba nakaisip na mag-propose? Somebody said that in your group. Hindi ka ba naghanap ng pari? What was going on in your mind?” tanong ni Kuya Boy kay Rayver.

Natawa naman ang dalawa at paliwanag ng aktor, nagkaroon nga ng ganu’ng biruan sa grupo habang nasa Israel sila.

“Para sa akin kasi, Tito Boy, everything happens for a reason, eh, and Siya lang ‘yung nakakaalam noon sa Itaas. Para sa akin, ‘yung river of hope ko, ‘yung lakas ng loob ko ay nanggagaling kay Julie.

“So ang iniisip ko, may rason kung bakit si Julie, magkasama kami sa Holy Land,” sabi ni Rayver.

Pero hindi namin kinaya ang sumunod na sinabi ng aktor.

“And for me, mind, body and soul, kasal na ako sa kanya,” saad ni Rayver at napa-smile naman si Julie Anne.

Hirit pa ng aktor kay Kuya Boy, kukunin daw nilang ninong ang TV host.

“Pero alam ng Panginoong Diyos na makakauwi pa kami, may chance pa kaming kunin ka as ninong,” sabi ni Rayver sa King of Talk.

Ang lakas ng tawa nina Julie Anne at Kuya Boy sa hirit ni Rayver.

AUTHOR PROFILE