Default Thumbnail

Mangingisda natagpuang patay sa bangka sa CamSur

September 13, 2023 Zaida I. Delos Reyes 444 views

ISANG mangingisda na hinihinalang nakidlatan ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bangka nitong Martes ng umaga sa Nabua, Camarines Sur.

Ang bangkay ng biktimang si Jurex Barela ay natagpuan ng kanyang ama sa loob ng kanyang bangka na nakalutang sa Lake Bato sa nasabing probinsya.

Napag-alaman na sabay na nangisda ang biktima at ama nito sa magkahiwalay na bahagi ng lake bato nitong Lunes ng gabi.

Naunang umuwi ang ama pero nang bumalik sa lawa kinaumagahan, natagpuan na lamang ang kanyang anak na patay na.

Paniwala ng kaanak, nakidlatan si Barela sa kasagsagan ng ulan kagabi at sa nakitang indikasyon nito sa katawan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.