Maja

Maja, humirit kay Rambo ng tiket sa fan meet ng sikat na Korean actor

September 9, 2023 Vinia Vivar 394 views

May pakiusap si Maja Salvador sa kanyang asawang si Rambo Nuñez. Nagpapabili siya ng ticket para sa fan meeting sa Pilipinas ng sikat na South Korean actor na si Park Seo Joon.

Nire-share ni Maja ang isang news article na nagsasaad na babalik sa bansa ang South Korean actor na nagbida sa K-dramas na Fight for My Way, What’s Wrong with Secretary Kim, Itaewon Class, She was Pretty at marami pang iba.

Magaganap ang fan meeting sa October 14 sa Araneta Coliseum.

Sa caption, ani Maja, “see you soon. Gift mo na sakin @rambo_nunez please,” at may kasama pang praying hand emoji.

Komento ng isang fan ni PSJ, “Tandaan mo, mahaba ang pila maj ha… mahal ka namin pero dapat pumila ka ng maayos.”

Well, in fairness, matagal nang nakapila si Maja dahil as early as 2020 ay fave na niya si PSJ.

Nag-post na rin siya that time tungkol sa pagiging fan niya ng nasabing K-actor at na-bash pa nga siya’t sinabihan din ng fans ng aktor na pumila.

AUTHOR PROFILE