WHAT'S NEW

SEE ALL
Punit

TIFFANY, NANGINIG SA EKSENA NG GANGBANG

September 9, 2023 Vinia Vivar 513 views

Nanginginig pa rin ang bombshell na si Tiffany Grey nang ibahagi niya sa mediacon ng Vivamax movie na Punit na Langit ang hirap na pinagdaanan niya habang kinukunan ang gangbang scene niya sa movie.

โ€œHonestly po, sa totoo lang, sobrang hirap para sa akin. Kasi โ€˜yung scene na โ€˜yun po, โ€˜yung parang kailangan mong gawin โ€˜to kasi wala akong choice, eh.

โ€œKailangan kong mag-pretend na nasasarapan ako, na okay ako pero after that, doโ€™n ko po binuhos lahat ng sakit na naramdaman ko while ginangbang nila ako,โ€ sey ni Tiffany.

Pagkatapos ay nanginig na ang kanyang boses.

โ€œAng hirap po kasi, ngayon po, nanginginig po ako kasi bumalik talaga โ€˜yung karakter ko as in grabe, sobrang…,โ€ tila mangiyak-ngiyak na sabi ni Tiffany.

Bumilib naman ang direktor na si Rodante Pajemma Jr. sa sexy actress dahil mabilis daw itong makakuha ng instruction at nakakaarte talaga.

โ€œActually, si Tiffany is magaling talaga, she can act talaga, kaunting instructions lang. Actually, siya nagpabilis sa akin sa scene. Before that, kaunting rehearsals para malabas โ€˜yung emosyon and โ€˜yun na. Mabilis, emotions are there, and lahat ng kasama doโ€™n, professional naman,โ€ sey ni Direk.

Isa rin sa mga bida ang Pantaxa Laiya star na si Apple Dy at challenging din ang kanyang role bilang si Dyosa dahil isa siyang pipi.

Ayon kay Apple ay talagang kinabahan din siya sa kanyang role kung maide-deliver ba niya dahil wala nga siyang dialogue at puro emosyon, mata at facial expressions lang ang kanyang pinagana.

Pinaghandaan daw niya ang kanyang karakter at nagtanung-tanong kung paano ba talaga ang kilos at expression ng isang pipi.

Ang Punit na Langit ay kwento ng magpinsang Dyosa at Claudia (Tiffany) na lumaki sa liblib na baryo at dahil sa kagustuhang umasenso ay mapapahamak sa kamay ng mga lalaking nangakong tutulong sa kanila.

Kasalukuyan na itong napapanood sa Vivamax at kasama rin sa movie sina Aila Cruz, Chester Grecia, Aerol Carmelo at Aria Bench.

AUTHOR PROFILE