
HEAVEN SA RELASYON KAY MARCO: WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET
“What you see is what you get,” ang sagot ni Heaven Peralejo sa tanong kung ano na ba talaga ang tunay na estado ng relasyon nila ng ka-loveteam na si Marco Gallo.
Nakatsikahan namin ang MarVen sa idinaos na cast reveal ng digital series na Safe Skies Archer kung saan ay kasama sila sa cast matapos ang tagumpay ng first series nila together na The Rain in España.
Nagsimulang ma-link muli sina Heaven at Marco nang gawin nila ang The Rain in Espana dahil na rin sa malakas na chemistry nila at hayagang pagpapakita ng paghanga sa isa’t isa.
Pero ayon sa dalawa, hindi pa rin sila mag-on at ini-enjoy lang nila ang kanilang closeness sa ngayon.
“Like we said before, we’re not rushing into anything. It’s because, me personally, I don’t wanna mess this up. I really don’t,” sey ni Marco.
Gusto raw niya ang nangyayari sa kanila ngayon ni Heaven at ayaw niya itong mawala.
“I don’t wanna lose this, so I just take it slow and just enjoy whatever it is, and eventually, if one day, if we feel ready, then why not? But for now, you know, we’re just seeing each other a couple of times,” he said.
Kung magiging sila ay hindi naman nila ito itatago.
“There’s really no reason for us to hide it. Just because we don’t wanna be like the other artista na parang you know, they just keep it to themselves. I always tell her, I think, whenever that time comes, there’s no reason to hide it,” sabi ni Marco.
Hirit naman ni Heaven, “Kayo ang unang makakaalam, ‘wag kayong mag-aalala.”
Aminado naman si Heaven na crush niya si Marco pero mukhang hindi alam ng aktor ang tradisyonal na panliligaw dahil half-Filipino, half-Italian siya na lumaki sa Italy.
Samantala, magsisimula na ngayong Oktubre ang Safe Skies Archer sa Viva One.
Ito ay base sa bestselling book ni Gwy Saludes. Kasama ng MarVen sa series sina Krissha Viaje, Jerome Ponce, Bea Binene, Aubrey Caraan, Gab Lagman, Nicole Omillo, Jairus Aquino, Hyacinth Callado, Andre Yllana at Frost Sandoval mula sa direksyon ni Gino Santos.
May exclusive sneak peek ding mapapanood sa Sept. 6, ang Ready For Take Off, ang one-hour docu-special for the series streaming exclusively sa Viva One.