Delivery boy kulong sa child abuse
SWAK sa selda ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6 ang 31-anyos na delivery boy dahil sa pang aabuso sa San Andres Bukid, Maynila Miyerkules ng umaga.
Nakilala ang suspek na si alyas Mark.
Base sa ulat ni Police Major Edwin Malabanan, hepe ng Warrant and Intel Section, kay Police Lieutenant Colonel Jason Aguiĺlon, Station Commander, bandang 11:30 ng umaga nang damputin ang binata sa Radium St., San Andres Bukid.