Default Thumbnail

Libreng shuttle para sa mga manonood ng 2023 FIBA World Cup

August 20, 2023 People's Tonight 351 views

MAYROONG libreng shuttle na masasakyan ang mga manonood ng opening ng 2023 FIBA World Cup sa Agosto 25.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas, nasa 400 na 49-seater bus ang magbibigay ng libreng sakay patungo sa Philippine Arena sa Bulacan.

Masasakyan ang free shuttle buses sa PITX Bus Terminal, Mall of Asia Arena, One Ayala Bus Terminal, BGC Market Market Bus Terminal, SM Megamall, Araneta City, Trinoma, SM North EDSA, Cloverleaf Ayala Mall Bus Terminal, SM Baliuag, SM Pampanga at SM Clark.

Aalis ang mga libreng shuttle kada oras simula alas-11 ng umaga hanggang 5 ng hapon.

Target ng SBP na lagpasan ang rekord ng may pinakamaraming nanood ng opening ng FIBA World Cup na nasa 32,616.

Mayroong laban sa Agosto 25 ang Angola at Italy na magsisimula alas-4 ng hapon. Alas-8 ng gabi naman ang laban ng Pilipinas at Dominican Republic.

Idineklarang walang pasok ang Agosto 25 sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa mga paaralan sa Metro Manila at Bulacan.

AUTHOR PROFILE