MISIS TINIGOK NI MISTER SA BUGBOG!
Mukha pisak sa hataw
PATAY ang isang 45-anyos na babaeng vendor sa hataw sa mukha at matinding gulping inabot mula sa kaniyang live-in partner, bunsod ng mainit na away ng mga ito Sabado ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa Zavalla Compound, Barangay Mamplasan, Biñan City, Laguna.
Kinilala ni PLT. Virgilio Jopia, hepe ng Biñan City police, ang biktima na si Janette Lucero.
Halos duguan ang mukha ni Lucero na wala ng buhay at nakahandusay habang nakatingala sa kisame ang bahagi ng mukha nito nang iwanan ng suspek.
Kasalukuyan namang nakatakas ang suspek na kaniyang ka-live-in na kinilalang si Marlo Prejoles, 51, caretaker sa Zavalla Compound.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang hindi inaasahang matinding away ng maglive-in na humantong sa panggugulpi ng suspek sa biktima.
Nadiskubre ang wala ng buhay na biktima ni Jerem Prejoles, 46, residente ng Sta. Rosa City, Laguna.
Ayon sa imbestigasyon, ang mainit na argumento sa hindi malamang dahilan ang umano’y ugat ng panggugulpi ng suspek.
Ang suspek ay kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.
Magsasagawa naman ng technical investigation assistance ang Regional Forensic Unit ng Calabarzon para sa crime processing sa insidente, ayon sa Biñan police.