Posas

Suspek sa gahasa huli

August 17, 2023 Jojo C. Magsombol 571 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Timbog sa mga pulis ang isang 26-anyos na lalaki dahil sa panghahalay sa Bgy. 4, Poblacion, Batangas City.

Ayon sa report ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson Belgica Belmonte kay Police Regional Office Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) Director Police Brigadier General Carlito M. Gaces, kinilala ang suspek na si alyas Jayson, 26, ng Bgy. Pulong Niogan, Mabini, Batangas.

Nahuli ang suspek bandang alas-9 ng umaga noong August 15, 2023 ng Batangas City Police Station (CPS) sa pangunguna ni PEMS Paulino Aclan Eje, Warrant PNCO, Batangas PPO at Batangas MARPSTA, SOU3 Maritime.

Nadakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape mula kay Judge Myla Villavicencio Olan.

AUTHOR PROFILE