Carlo si Charlie na ba ang the one?

August 16, 2023 Aster Amoyo 916 views

Carlo1Carlo2SA September 8, 2023 ay ikatlong kaarawan ni Enola Mithi, anak ng 37-year-old actor na si Carlo Aquino sa kanyang ex-girlfriend na si Trina Candaza. The ex-couple were still together when their daughter celebrated her first birthday pero kahit hiwalay na sila nung nakaraang taon ay magkasama pa rin ang dalawa sa 2nd birthday party ng bata.

Carlo is now in a relationship with 31-year-old Kapamilya actress, Charlie Dizon na unang nagkasama sa primetime TV series na “A Soldier’s Heart” ng ABS-CBN nung 2020. Pero nagkalapit lamang ang dalawa sa isa’t isa nang sila’y magkasama sa Star Magic US tour ng ABS-CBN nung isang taon. Sila’y magkasamang muli sa kanilang kauna-unahang movie bilang mga pangunahing bituin, ang romantic drama movie na “Third World Romance” na pinamahalaan ni Dwein Ruedas Baltazar under Blacksheep Productions na palabas na ngayon sa mga sinehan. Kasama rin sa nasabing pelikula sina Gardo Versoza, Ana Abad Santos, Archi Adamos at iba pa.

Sa rami na ng naging girlfriend ni Carlo, marami ang nagsasabi na hindi umano ito ang marrying kind of guy.

Si Angelica Panganiban ang teen girlfriend ni Carlo at tumagal din ang kanilang relasyon pero ito’y nauwi rin sa hiwalayan. Ang buong akala ng marami ay nagkabalikan ang dalawa matapos nilang gawin ang hit movie na “Excess Baggage” ni Dan Villegas nung 2018 pero naging paasa lamang umano ang actor sa Kapamilya actress na ngayon ay may asawa na, ang businessman na si Gregg Homan with whom she has a daughter, ang 10-month old nasi Amila Sabine.

Sumunod sa mga nagging girlfriends ni Carlo sina Camille Prats, Maja Salvador at Kristine Nieto (na nakarelasyon ng actor ng mahigit anim na taon). When people thought na nagkabalikan sila ni Angelica, nagulat naman ang lahat nang kumalat ang larawan ni Carlo kasama ang model na si Trina Candaza nung January 2019. Kasunod na rito ang pagkakaroon nila ng anak the following year.

But just like in his past relationships, nagkahiwalay din sila ni Trina.

Marami ang umaasa na sana’y si Charlie Dizon na ang babaeng ihaharap ni Carlo sa altar.

Carlo is currently one of the busiest actors sa rami ng proyektong kanyang pinagkakaabalahan ngayon kasama na rito ang tumatakbong series na “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko” kung saan niya mga kabituin sina Coleen Garcia, Ryza Cenon, Rhen Escano, Jerome Ponce at Kiko Estrada at pinamahalaan ni Carlo Enciso Catu na palabas ngayon sa streaming app na Viva One.

Alfred maraming dahilan bakit masaya

VargasVargas1MARAMI sa mga showbiz personalities na pumapasok sa larangan ng pulitika ang dina-down ng iba dahil kulang umano sa edukasyon at kaalaman. Pero ang hindi alam ng iba na marami rin sa kanila ay well-educated at nagtapos ng kolehiyo and even took their master’s para maging well-equipped tulad ng actor-politician na si Alfred Vargas na nagtapos ng AB-Management Economics sa Ateneo de Manila University and took his master’s in Public Administration sa University of the Philippines.

Ang dating kongresista sa loob ng tatlong termino or 9 years sa ikalimang distrito ng Quezon at konsehal ngayon in the same district ay aktibo pa rin sa kanyang pagiging actor at film producer.

Umaasa ang actor-politician at film producer na si Alfred na makakapasok sa darating na 2023 Metro Manila Film Festival ang kanilang pelikulang “Pieta”na pinamahalaan ni Adolf Alix, Jr. at tinatampukan ni Alfred kasama ang superstar at National Artist na si Nora Aunor, Gina Alajar, Jaclyn Jose, Bembol Roco at Ina Raymundo.

Samantala, masaya ngayon ang actor-politician at film producer dahil ang kanyang napakagandang Filipino-Italian wife na si Yasmine Espiritu-Vargas is currently heavy sa kanilang pang-apat na anak bagamat hindi pa nila alam ang gender nito.

“Boy or girl is God’s blessing,” pahayag ni Alfred in his recent lunch get-together with his entertainment writer friends.

Ang tatlong na unang anak ng mag-asawa ay sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra at Alfredo Cristiano.

Andrea nag-enjoy sa ‘Showtime’

AndreaMARAMING Kapuso stars and talents ang natuwa nang magsimulang um-ere sa GTV (sister TV network ng GMA) ang top-rating and long-running noontime program na “It’s Showtime” nung July 1, 2023 dahil nagkaroon ng pagkakataon na magkatrabaho ang mga Kapamilya at Kapuso stars and artists.

Nung nakaraang Martes, August 15, napanood sa Kapamilya noontime show ang Kapuso actress na si Andrea Torres na tuwang-tuwa dahil sa mainit na pagtanggapsa kanya ng mga Kapamilya star.

Ang “It’s Showtime” ay pinangungunahan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Amy Perez, Kim Chiu, Karylle, Ryan Bang at iba pa.

Sina Anne, Ogie at Karylle ay pare-parehong nagging bahagi ng Kapuso network noon bago nagingKapamilya.

Guy and Vi rivalry mabubuhay sa MMFF 2023

NoraVilmaKAPAG nakapasok ang magkahiwalay na pelikula nina Nora Aunor at Vilma Santos sa daratingna 2023 Metro Manila Film Festival tiyak na buhay na naman ang `rivalry’ ng dalawang reyna ng pinilakang tabing.

Si Guy (Nora) ay may pelikulang “Pieta” na pinamahalaan ni Adolf Alix, Jr. Si Vi naman ay may reunion movie with perennial screen partner na si Christopher de Leon sa pelikulang “When I Met You” na kinunan pa sa Tokyo, Japan na dinirek nina Rommel Penesa at Radu Peru mula sa screenplay ni Suzette Doctolero.

Ang pelikulang “When I Met You” ay balik-tambalan nina Vi at Boyet after almost 20 years of not working together and their 25th movie together.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE