
ANDREA, NAPATAWAD AT HANDA NANG KAUSAPIN SI RICCI
Napatawad na ba ni Andrea Brillantes ang ex-boyfriend na si Ricci Rivero?
Ito ang isa sa mga naitanong sa aktres sa open forum matapos ang kanyang contract signing sa Kapamilya network.
“I think so. Pero hindi po direkta kasi wala pa po kaming usap. Pero in my heart, yes. In my heart, natanggap ko na lahat and willing to move forward with my life na po ako. So yes, I think napatawad ko na siya,” sagot ni Blythe (real name ni Andrea).
Deklara pa niya, “Kung magkikita kami, okay lang naman po sa akin ‘yun, wala akong problem with it.
“Okay akong magkita kami, kung makakausap ko siya, kung kakausapin niya ako, okay lang din po sa akin ‘yun kung meron pa siyang mga gustong sabihin,” sey pa ng batang aktres.
It’s been two months simula nang nag-break sila at ayon kay Andrea ay hindi na siya galit sa ex.
“Ay, hindi. Nagalit ako, oo. Pero matagal na panahon na po ‘yun bago pa nag-trending ang lahat ng ito. Nakailang buwan na bago niyo nalaman lahat, tapos na ako,
“On the way na ako matapos sa lahat ng stages of grief. Nagkaroon po ako siguro ng one month talaga na mahirap para sa akin. ‘Di ba five stages ‘yun? Per week, ibang stage ako sa loob ng isang buwan na iyon.
“Pero thank you, Lord, kasi hindi ko po pinagdaanan ‘yung depression kasi, ‘di ba, anger, denial, bargaining, depression and then acceptance? Na-skip ko (depression),” pahayag pa ng Kapamilya actress.
“Nawala naman na ‘yung galit sa akin surprisingly po for me. Hindi ko ‘yun in-expect kasi kilala ko ‘yung sarili ko na talagang kinikimkim ‘yung bubog or kung ano man betrayal ang matanggap ko in life.
“Pero ito, pinili ko po kasi talagang mag-reflect lang, isang linggo, ako lang, hindi ako lumabas. Wala rin akong kinausap kung ‘di ako lang,” pagbabahagi ni Andrea.
Marami nga raw siyang naging realization tungkol sa relationship dahil sa nangyari.
“Mas doon ko nakilala ‘yung sarili ko, ‘yung emotions ko. Masasabi ko pong nawawala talaga ang galit.
“Time heals everything. Thank you, Lord, ginawa niyang one week. ‘Yung iba kasi years, buwan. After noon, nandiyan ‘yung friends ko, fans ko, ‘yung family ko na mahal na mahal ako, ‘yung network ko.
“Punumpuno ng pagmamahal kasi ‘yung buhay ko. Wala na siyang space para sa galit pa. It is what it is, eh, so, whatever. Ang laki-laki ng mundo, ang saya-saya mabuhay para lang mag-waste ng galit,” pahayag ni Andrea.
‘Atta girl!