Reklamo sa bagong manager ni Liza, nagsulputan! … Ama ni James, kasama sa mga nagku-complain
Gaano kaya katoto ang tsikang nanganganib na ma-deport ng bansa ang bagong manager ni Liza Soberano na si Jeffrey Oh?
Sa programa ni Cristy Fermin online noong Lunes ay isa ito sa kanyang mga ibinalita.
“Ito po ay nakarating sa akin noong Biyernes. ‘Yung pong bagong manager ni Liza Soberano na si Jeffrey Oh ay pinuntahan ng mga alagad ng batas sa kanyang opisina sa Poblacion, Makati.
Inakyat siya do’n ng mga awtoridad dahil may mga reklamo laban sa kanya,” ang pagbabalita ni ‘Nay Cristy.
Wika pa ng batikang radio host/vlogger, “Alam mo ba, baka ipa-deport itong Jeffrey Oh na ito. Haharap siya sa deportation.”
Paliwanag ni ‘Nay Cristy, may kinalaman sa papeles at dokumento ang naging problema ni Jeffrey.
“Hiningi ang mga dokumento sa kanya. Wala pala siyang mga papeles na nagsasabi at nagbibigay ng kalayaan sa kanya to operate business in the Philippines. Wala rin siyang SEC registration,” pahayag pa niya.
Ayon pa sa veteran entertainment writer/host ay isa sa mga nagrereklamo kay Jeffrey ang ama ni James Reid.
“Sa dami ng nagrereklamo, isa pala ang tatay ni James Reid sa mga nagrereklamo laban dito kay Jeffrey Oh, dahil ‘yung pera ng anak niya, parang sosyo sila, eh, ‘di ba? Hindi nakakarating kay James Reid ‘yung kaukulang pangako na perang ibibigay partner, parang ganu’n,” saad pa niya.
Si Jeffrey ay isang Korean-American at tumatayong CEO ng Careless, ang record label na itinayo ni James noong 2017.
Ang aktor pa rin ang presidente ng naturang kumpanya.
Matatandaang lumipat si Liza sa Careless last year as one of its talents along with Issa Pressman.
Bukas ang pahina ng People’s Tonight para sa panig ng kampo ni Jeffrey at ng Careless.