Default Thumbnail

Chinese national huli sa shabu

July 16, 2023 Bernard Galang 384 views

ARESTADO ang isang hinihinalang Chinese drug trafficker sa kanyang bahay sa Angeles City, Pampanga noong Linggo ng umaga.

Kinilala ni PRO 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. ang suspek na tubong Jixi City, Heilongjiang, China, at kasalukuyang naninirahan sa Clark Korean Community, Clark Hills, Clark Freeport Zone, Mabalacat City, Pampanga.

Ayon kay Hidalgo, nakuha mula sa suspek ng operating team sa pangunguna ni Angeles City police commander Maj. Christopher Lalic ang dalawang maliliit na transparent sachets na naglalaman ng 19 piraso ng maliliit na pulang tablet na hinihinalang Yaba, isang caffeine at methamphetamine-induced na droga.

Narekober din ang apat na plastic sachets na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 100 gramo at nagkakahalaga ng P680,000, marked at boodle money at isang BMW sedan.

Sinabi ni Hidalgo na sasampahan ng kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 Art. II ng RA 9165 ang suspek.

AUTHOR PROFILE