
Byaheng pamilya nauwi sa trahedya, 5 duguan
SUGATAN ang limang miyembro ng isang pamilya matapos na sumalpok sa concrete barrier at steel post ang kotseng kanilang sinasakyan noong Lunes ng madaling araw sa Lucena City.
Agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktimang si Erwin Biares, 39, teacher , kanyang asawa, dalawang anak at isang pamangkin.
Nakilala ang isa sa biktina biktima na si Erwin Biares, 39, teacher.
Sugatan din ang kanyang asawa, dalawang anak at isang pamangkin.
Batay sa ulat ng PNP, naganap ang aksidente dakong 2:45 ng madaling araw sa Diversion road, Barangay Kanluran Mayao, Lucena City.
Minamaneho ni Biares ang kanyang Hyundai Eon sakay ang apat pang miyembro ng kanyang pamilya nang bigla na lamang siyang mawalan ng kontrol.
Sumalpok ang kanilang kotse sa concrete barriers at steel posts ng Department of Public Works and Highways sa naturang lugar.
Isinugod ang limang biktima sa Quezon Medical Center (QMC) para mabigyan ng paunang lunas.
Papuntang Manila ang mag-anak mula Bicol nang maganap ang insidente.