Elias

Elias, close sa non-showbiz GF ni Lloydie

June 27, 2023 Vinia Vivar 347 views

EllenHALOS magkakasabay na bumati sina John Lloyd Cruz, Ellen Adarna at Derek Ramsay sa kanya-kanyang socmed accounts para sa fifth birthday ni Elias kahapon.

Simpleng, “Happy birthday anak” ang caption ng IG post ni Lloydie kung saan isa sa mga picture na in-upload niya ay makikitang yapos ng non-showbiz girlfriend niyang si Isabel Santos ang anak kay Ellen.

Kung pagbabasehan ang sarap ng ngiti ng birthday boy sa litrato, mukhang close na close na ito kay Isabel.

Si Derek naman, super proud daw sa pagiging “Papa” ng bagets.

Pagbati niya, “Happy birthday my little babing. Love you son” na pinusuan ng misis na si Ellen.

“5 years today my baby boy. Thank you for giving my life purpose and meaning. For teaching me patience, empathy and unconditional love. See you in a bit! Mama loves you forever and ever and ever #timefliessofast,” naman ang isinulat na caption ni Ellen sa sariling IG post.

AUTHOR PROFILE