Joey

Lolit, naaawa kay Joey

June 12, 2023 Vinia Vivar 639 views

Maging ang talent manager na si Lolit Solis ay awang-awa kay Joey de Leon sa pagiging emosyonal nito sa nangyari sa Eat Bulaga.

Matagal niyang nakasama ang TV host sa Startalk kaya alam niyang mababaw talaga ang luha nito.

“Talagang na sad siya sa mga nangyayari ngayon. Very sentimental si Joey de Leon kaya mababa ang luha niya. Teary eyed siya pag kausap ng mga showbiz writers kaya naman feel ng lahat ang sadness niya,” sey ni ‘Nay Lolit sa kanyang Instagram post.

Tsika pa niya, maging si Vic Sotto ay hindi pa rin maka-recover at tuwing sasapit daw ang tanghalian ay matagal na natatahimik.

“Kahit nga si Vic Sotto, sabi ni Pauleen Luna, talagang naging tahimik nang matagal tuwing sasapit ang oras ng tanghali. Buti na lang at nandiyan si Talitha na pinasasaya siya lagi.

“Naku pag naman inabot ka ng 40 years na lagi kayo magkasama imposible naman talaga makalimot ka. Siyempre nanduon pa rin iyon feeling mo na magkasama kayong lahat together,” ani Nay Lolit.

“Naku matatagalan talaga maka recover dito sa nangyari sa Eat Bulaga. Tutoo nga, mabu Bulaga ka sa mga magaganap na eksena. Hindi mo akalain ha, pagdating pa ng 40 years mangyayari ang ganito. Ayaw ni Talitha niyan, hindi bongga,” pagtatapos ni ‘Nay Lolit.

AUTHOR PROFILE