Default Thumbnail

Manukan na ginawaang pagawaan ng paputok sumabog, 7 sugatan

May 25, 2023 Zaida I. Delos Reyes 232 views

PITO katao kabilang ang limang trabahador at dalawang anak ng may-ari ang sugatan matapos na sumabog ang isang manukan na ginawang pagawaan ng paputok sa San Simon Pampanga.

Ang mga biktima na hindi pa pinapangalanan ay isinugod sa pagamutan upang mabigyan ng agarang lunas.

Batay sa ulat ng PNP, ang insidente ay naganap sa isang manukan na matatagpuan sa Barangay Concepcion sa naturang bayan.

Isang malakas na pagsabog umano ang narinig ng mga residente sa lugar at nang rumesponde ang mga alagad ng batay ay nakita nilang nasununog na ang ilang kemikal at mga sangkap sa paggawa ng paputok na nakaimbak sa manukan.

Nakuha din sa lugar ang mga finished product na nakaimbak sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, illegal ang operasyon ng pagawaan ng paputok sa lugar dahil walang permit o dokumento ito.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.