Maine

Vic, pumayag mag-ninong sa kasal nina Maine at Maja

May 6, 2023 Ian F. Fariñas 499 views

MajavicMaine: Uy, hindi ako naglilihi!

TRENDING ang pagbabalik ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga kahapon. Bukod sa sayang idinulot nito sa fans, eh, hindi rin nila pinalagpas ang portion kung saan tuwang-tuwa ang dalaga habang nakikipag-agawan ng mangga sa Dabarkads na sina Paolo Ballesteros, Wally Peralta at Jose Manalo.

Isang bayong ng hilaw na mangga ang napagtripan ng apat na sabi nga ni Jose ay paborito ni Maine.

“Happiness ito!” sagot naman ng fiance ni Cong. Arjo Atayde.

Dinugtungan niya ito ng paglilinaw na, “Uy, hindi ako naglilihi, gusto ko lang.”

Saad tuloy ni Paolo, “Defensive friend, ha?”

Na sinagot muli ni Maine ng, “fyi, kakulay ng damit (dahil naka-all green outfit siya kahapon).

Salo naman ni Wally, “Noon pa man mahilig na si Maine sa mangga.”

Speaking of Maine, ipinahayag naman ni Vic Sotto na magni-ninong siya sa nalalapit kasal nito kay Cong. Arjo pati na kina Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Hindi raw pwedeng tanggihan ni Vic ang dalawa.

Matatandaan na si Maine ang kasama ni Vic sa nagtapos na Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl habang si Maja naman ang co-star niya sa bagong show na Open 24/7.

Ayon kay Vic, maganda na tinapos nila ang Daddy’s Gurl habang maganda pa ang ratings nito.

Limang taon din daw silang nagsama ni Maine sa programa at desisyon na mismo ng dalaga na magpahinga muna sa paggawa ng sitcom.

“Yeah, kasi medyo mag-iiba na (siya) ng landas, pero ganu’n pa rin, showbiz pa rin,” paliwanag ni Vic.

AUTHOR PROFILE