Default Thumbnail

‘Lasing’ na PWD, nalunod sa irigasyon sa Ecija

April 3, 2023 Steve A. Gosuico 426 views

TALAVERA, Nueva Ecija – Patay ang isang 26-anyos na PWD o “person with disability” na lasing diumano matapos malunod sa isang irrigation canal, Linggo ng hapon.

Ayon kay Lt. Col. Ranny G. Casilla, ang biktima ay naninirahan sa Purok 4, Bgy. San Pascual ng bayang ito.

Naganap ang insidente sa isang daluyan ng irigasyon na sakop ng Purok 6 ng nasabing barangay dakong 3:40 ng hapon (Abril 2).

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, bigla umanong tumalon ang biktima sa irigasyon sa hindi malamang kadahilanan at matapos ang ilang saglit ay natagpuan itong wala nang buhay at naka-ipit sa isang tulay na kahoy sa lugar.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

AUTHOR PROFILE