Kylie

Resibo ng sagutan nila ni Kylie, ibinandera ni AJ sa socmed

February 25, 2023 Vinia Vivar 415 views

AljurInalmahan ni AJ Raval ang mga basher na walang tigil siyang pinuputakti at tinatawag na “kabit” at naninira ng pamilya dahil nakipagrelasyon siya kay Aljur Abrenica na very much married pa rin although hiwalay na sa asawang si Kylie Padilla.

Sa kanyang Facebook account ay hindi na nakapagpigil pa ang Vivamax sexy star at sinagot ang hindi magagandang komento patungkol sa kanya.

Sabi ng isang basher, “Isa pa din tong kabit mang aagaw parang walang lalaki sa mundo hahaha alam nya nya may familya si A pinatolan din.”

Sinagot ito ni AJ at nilinaw na wala siyang inagaw o sinirang pamilya.

“Madam, FYI, walang inagaw, at lalong wala kaming nilokong tao alam yan ni Kylie, kung sira man family nila, one thing is for sure HINDI AKO ANG NANIRA NG FAMILY NILA,” ani AJ.

Patuloy niya, “Bakit hindi nyo na lang i research or hanapin sino ba talaga nanira? Bakit ako ang sumasalo ng kasalanan na hindi ko naman ginawa? Anyway may you find your peace and happiness.”

May isa namang nag-comment na, “FYI madam hindi po tayo perpekto pero panigurado alam niu po ang tama sa mata ng Dios lods. Godbless,” na may kasama pang larawan ng 10 utos ng Diyos.”

Sinagot din ito ng Vivamax star. Aniya, “May asawa ba? hiwalay LITERAL na hiwalay uulitin ko HIWALAY LITERAL NA HIWALAY… So pag si Aljur nagkaron ng partner kasalanan na? Pag si Kylie nagkaroon ng partner deserve nya maging masaya? e pareho lang naman sila.”

May nagkomento na namang isang netizen na kahit baligtarin daw ang mundo, “kabit” pa rin si AJ at sinagot din ito ng sexy actress.

“Matapang kong hinarap yan inamin namin yan at walang nag deny, kung nag play safe or nag sinungaling rin kami noon edi sana safe na safe rin kami ngayon… that time totoo naman na ligawan stage kami at last year July 17, 2022 lang naging official.

“So anong problema mo sa amin? Anong deny ang sinasabi mo? Mabuti ang intention ko wala akong masamang hangarin… at hindi ko kayang manakit ng kapwa ko tao walang katotohanan yang sinasabi mo.”

Bukod dito ay ipinost din ni AJ ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ni Kylie na pagpapatunay na okay silang dalawa.

Dito ay mababasang nag-message si AJ kay Kylie at ipinaalam muna na magpo-post siya ng video kasama si Aljur.

“Nag post na ako ng video namin ni aj, I do respect you pero gusto ko na lang din manahimik mga tao and tigil na sila sa kakahuli sa amin nanawa na rin ako hehe. I hope everything is fine,” mensahe ni AJ kay Kylie.

Sagot naman ni Kylie, “Ok naman ikaw? It’s fine ano ka ba. Wala namang issue sakin. Di naman ikaw ang naging problema namin sa relationship namin before. Di ko rin alam paano gagawin sa sitwasyon. Pinaliwanag ko naman na sa mga tao na hindi ka 3rd party. Hay.”

Sagot ni AJ, “Okay ako. Yes yes, salamat sa pagpapaliwanag. Na appreciate ko yon. At humihingi rin ako ng pasensya sayo sainyo sa na cause ko na gulo. Thank you sa understanding. Can I follow you?”

Sagot ulit ni Kylie, “Magulo na kami before pa ng lahat eh. Magulo lang talaga. Bka may way para maipakita natin na ok naman na ang lahat. Mag isip ako ng paraan. Kasi ayoko din yung nangyayari. Nag cacause ng stress of both sides na pwede naman maging ok tayo. Gusto ko mag thank you na inalagaan mo mga babies ko. it means everything na minamahal mo rin sila.”

Ang mga post na ito n AJ ay burado na ngayon, pero nakunan na rin naman ito ng screenshot ng mga netizen at ilang entertainment portals kaya kumalat na rin.

AUTHOR PROFILE