Posas

8 yrs nag hide-and-seek sa murder na-game over

August 13, 2023 Steve A. Gosuico 354 views

STO. DOMINGO, Nueva Ecija — Bumagsak sa kamay ng mga pulis ang isang nahaharap sa kasong murder nang mahuli matapos ang halos walong taong pagtatago.

Kinilala ni police chief Major Sandy C. Bautista ang naaresto na si Cresencio Somera, 56, ng Bgy. Kagubatan, Llanera, Bagong Ecija.

Natiklo ng pulisya ang suspek sa isang manhunt sa Villa Rufina Subd., Bgy. Hope, Talavera alas-11:20 ng umaga noong Sabado.

“May alitan ang suspek at ang namatay na biktima pero yung isa na nabuhay nadamay lang sa insidente,” sinabi ni Bautista sa Journal Group sa isang text message.

Aniya, nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang naarestong suspek para sa kaukulang disposisyon.

AUTHOR PROFILE