Default Thumbnail

8 bahay gumuho sa Valenzuela

September 4, 2023 Edd Reyes 236 views

WALONG kabahayan ang gumuho nang lumambot ang lupang kinatitirikan dala ng malakas na ulan Linggo ng hapon sa Valenzuela City.

Sa report ng Valenzuela Public Information Office, naganap ang pagguho ng mga kabahayan sa S. Feliciano St., Mapulang Lupa at Ugong sa pagitan ng alas-9 hanggang alas-10 ng umaga subalit iniulat ito dakong 5:40 ng hapon.

Umaabot sa 28 pamilya ang nawalan ng bahay sa pagguho.

Sa pagsusuri ng Office of the Building Official, lumambot nang husto ang lupang kinatitirikan ng mga kabahayan, sanhi ng patuloy ng ilang araw ng pag ulan.

Sa lugar ng Mapulang Lupa, umabot sa 17 pamilya na kinabibilangan ng 70 indibiduwal ang nawalan ng tirahan habang 11 pamilya naman na kinabibilangan ng 43 katao ang naapektuhan sa Brgy. Ugong.

Wala iniulat na nasawi o nasugatan sa naturang pangyayari.

Pinakilos ni Mayor WES Gatchalian ang mga tauhan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Engineering Office at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Valenzuela para tulungan ang mga apektadong pamilya.

Pansamantala namang nanunuluyan sa 3S Center ang mga nawalan ng tirahan sa Mapulang Lupa habang nasa lumang barangay hall ang mga naapektuhang pamilya sa Ugong.

AUTHOR PROFILE