
747 rice retailers tumanggap ng P11.2M payout
CABANATUAN City, Nueva Ecija–Umaabot sa 747 rice retailers sa lalawigang ito ang nakatanggap ng tig-P15,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Region 3, ayon sa Department of Trade and Industry sa Nueva Ecija.
Ayon sa DSWD, umaabot sa P11,205,000 ang cash payout na ipinaabot sa mga rice retailers dito.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI)-Nueva Ecija provincial director Dr. Richard Simangan na ibinigay ang payout sa mga micro rice retailers na naapektuhan ng paglalagay ng price caps sa bigas dahil sa Executive Order 39 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Setyembre 5.
Noong Oct. 4, ipinag-utos ng Pangulo ang pagtanggal sa price cap sa presyo ng bigas.
“Tuloy-tuloy pa rin ang monitoring ng DTI kahit lifted na na ang price cap,” sabi ni Simangan sa “Kapihan sa Media” na ginanap noong Biyernes.
Sa unang batch ng mga benepisyaryo, 135 rice retailers ang nakinabang sa payout sa mga sumusunod na bayan: Bongabon, 11; Cabanatuan City, 13; Carranglan, 2; Gabaldon, 18; Gapan City, 12; General Natividad, 3; Guimba, 10; Laur, 4; Lupao, 9; Nampicuan, 3; Quezon, 13; San Jose City, 18; San Leonardo, 3; Munoz Science City, 5; at Zaragoza, 7.
Mula sa mga lugar na ito ang ikalawang batch ng 612 rice retailers: Aliaga, 18; Bongabon, 9; Cabanatuan City, 59; Cabiao, 27; Carranglan, 17; Cuyapo, 21; Gabaldon, 59; Gapan City, 16; General Natividad, 14; General Tinio, 6; Guimba, 17; Jaen, 29; Laur, 6; Licab, 15; Llanera, 9; Lupao, 22; Nampicuan, 13; Palayan City, 12; Pantabangan, 12; Peñaranda, 4; Quezon, 39; Rizal, 44; San Antonio, 8; San Isidro, 17; San Jose City,14; San Leonardo, 14; Santa Rosa, 19; Santo Domingo, 26; Science City of Muñoz, 13; Talavera, 25; Talugtug, 7; at Zaragoza, 3.