
72 nalambat sa 1 linggong anti-crime drive sa Batangas
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas — Bilang pagtugon sa direktiba ni Police Regional Office CALABARZON Regional Director, PBGen/ Paul Kenneth T. Lucas na palakasin ang operasyon kontra kriminalidad, nagsagawa ang mga kapulisan ng Batangas sa pangunguna ni Provincial Director PCol. Samson B. Belmonte ng limang araw na operation kontra sa kriminalidad na nagsimula noong Oktubre 29, 2023 hanggang Nobyembre 4, 2023.
Ayon sa ulat, umabot sa 72 katao ang kabuuang bilang ng nalambat sa ginawang operasyon sa Batangas.
Dalawa dito ay tinaguriang most wanted persons (MWP) na kinabibilangan ng isang regional level, isang provincial evel, at apat na other wanted person.
Samantala, sa 11 operasyon kontra ilegal na droga, 12 drug personalities ang arestado at tinatayang nasa 7.69 gramo ng shabu na may kabuuang P53,061 halaga ang nakumpiska.
Umabot naman sa 52 katao ang na tiklo sa ilegal na sugal katulad ng sabong, cara y cruz, pusoy, tong-its, lucky 9, mahjong, video karera, at bookies na nagresulta sa pagkakumpiska ng P 24,710 na bet money.
Dalawa katao naman ang inaresto dahil sa ilegal na pagmamay-ari ng baril.
Sa ngayon nasa kustodiya na sila ng pulisya para sa proper disposition at documentation.
“Ang Batangas PNP ay seryoso sa pagsugpo sa lahat ng illegal na gawain dito sa lalawigan ng Batangas upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan tungo sa kaunlaran ng mamayan nito,” sabi pa ni Belmonte.