Default Thumbnail

7 TAO, SWAK SA ILIGAL NA PAGBEBENTA NG PANGOLIN

April 11, 2024 Alfred P. Dalizon 493 views

PITONG tao ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Maritime Group dahil sa iligal na pagbebenta ng buhay na Pangolins sa Sta. Cruz, Manila.

Kilala bilang ant-eaters, ang Philippine Pangolins ay nauna nang idineklarang ‘critically endangered species’ ng Palawan Council for Sustainable Development.

Nakuha sa posesyon ng mga akusado dulot ng entrapment operation sa Oroquieta Road kanto ng Fabella Street sa Barangay 310, Sta. Cruz, Manila ang limang buhay ng Pangolins na tinatayang may kaukulang halaga na P136,000.

Binebenta ang mga mammals na ito sa P34 libo bawat isa.

Nahaharap ngayon sa kasong trading and possession of wildlife sa ilalim ng Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources, Conservation and Protection Act in relation to RA 10175 o ang Cybercrime Protection Act of 2012 ang mga akusado.

Sinabi ni Colonel Rommel Javier, ang hepe ng National Capital Region Maritime Police Station ng PNP Maritime Group, nadakip ang pito sa isang operasyon sa Sta. Cruz, Manila bandang alas-dose y media ng umaga ng Miyerkules.

Kinilala niya ang pito na sina Junel Esquillo, isang 33-anyos na negosyante at ang kanyang mga kasama na sina Randy delos Angeles,45,; Cajelo Sumael,51; Mike Amod,42; Jose Esquillo,39; Ardy Chiptao,32; and Jonel Tunacao,37.

Sina Delos Angeles and Chitao na pawang taga-Palawan ay sinasabing pangunahing kontak ng mga nanghuhuli at nagbebenta ng Pangolins sa naturang lalawigan.

Kinumpiska din ng Southern NCR MARPSTA ang isang Toyota Hi-Ace commuter na may plakang DAR 5840 na ginamit ng mga akusado sa pagta-transport ng mga naturang endangered species bago sila nadakip

AUTHOR PROFILE