EDDYS

6th The Eddys tagumpay, winners sobrang deserving

November 27, 2023 Aster Amoyo 272 views

EDDYS1EDDYS2EDDYS3SINA Piolo Pascual at Iza Calzado ang tumayong main hosts ng ika-6 na taon ng EDDYS ng Society of Entertainment Editors of the Philippines (SPEEd) na pinamumunuan ng People’s Journal entertainment editor na si Eugene Asis. Ito’y ginanap sa Aliw Theater, CCP Complex, Manila last Sunday, November 26 and produced by Airtime Marketing Philippines ni Tessie Celestino-Howard for a delayed telecast (December 2) on A2Z.

Ang pelikulang “Blue Room” ng Heaven’s Best Entertainment ang tinanghal na Best Film at naka-tie nito ang “Family Matters” ng Cineko Productions habang si Direk Nuel Naval naman ang nakasungkit ng Best Director award for the movie “Family Matters” ng Cineko Productions. Ang 23-year old young actor na si Elijah Canlas ang tinanghal na Best Actor habang nag-tie naman sa Best Actress sina Janine Gutierrez ng pelikulang “Bakit Di Mo Sabihin” at Max Eigenmann ng “12 Weeks”. Si Mon Confiado ang nanalong Best Supporting Actor for “Nanahimik ang Gabi” habang si Nikki Valdez ang ginawaran ng Best Supporting Actress trophy. Sobrang deserving ang mga winner.

Among the guest performers include Concert Queen Pops Fernandez, balladeer Erik Santos and young Kapamilya singer-actor Darren Espanto. Among the EDDYS icon awardees this year na kinabibilangan nina Aga Muhlach, Snooky Serna, at Nino Muhlach. Personal na tinanggap nina Nino at Snooky ang kanilang award habang ang isa sa twin children ni Aga na si Andres Muhlach naman ang tumanggap ng parangal on his father’s behalf. Mainit ang naging pagtanggap ng audience sa loob ng Aliw Theater kay Andres na pang-matinee idol ang dating just like his dad when he was about his age. Ang actor-comedian at dating konsehal ng Quezon City na si Hero Bautista ang tumanggap ng award for his brother, actor-comedian-politician na si Herbert Bautista.

Best actress winner Janine Gutierrez also failed to receive her Best Actress trophy but was represented by her mom, ang isa pang award-winning actress na si Lotlot de Leon na naging emotional when she received the plum for her daughter.

Teen-ager na ang dating child actor na si Alonzo Muhlach na naging isa sa co-presentors sa technical categories along with “E.A.T.’s” Carren Eistrup. Naging presentor din ang mag-amang Roi at Lala Vinzon ganundin ang veteran singer-actor at Chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Tirso Cruz III, at ang mahusay na aktor na si John Arcilla, Ara Mina, Jamie Rivera at iba pa.

James pinabulaanan ang tsismis na break na sila ni Issa

PINABULAANAN ng ex-PBB Big Winner-turned singer, actor, celebrity endorser, record producer and talent manager na James Reid na break na sila ng kanyang girlfriend na si Issa Pressman just because napansin ng netizens that they unfollowed each other on their respective IG accounts.

Most recently, maraming showbiz couples ang napapabalitang hiwalay na umano tulad longtime sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Kim Chiu and Xian Lim, ang mag-asawang Richard Gutierrez and Sarah Lahbati maging ang celebrity couple na sina Miles Ocampo at Elijah Canlas. Sa apat na couple, tanging si Elijah pa lamang ang nagkumpirma na wala na nga sila ng actress-host at “Goin’ Bulilit” alumna na si Miles habang ang tatlo pang celebrity couple ay patuloy pa rin sa kanilang pananahimik sa status ng kanilang mga relasyon. Kung ang balita’y totoo, sayang naman lalupa’t malapit na ang Pasko.

Ang kaibahan ni Alex kay Assunta

KUNG susuriin, aakalain ng ibang tao na suplada ang mahusay na Filipino-Italian actress, writer, director at film producer na si Alessandra de Rossi (39). Si Alex ay nakababatang kapatid ng isa pang mahusay na aktres na si Assunta de Rossi (42) na mas tutok ngayon bilang wife to businessman and former politician na si Jules Ledesma at ina sa kanilang three-year-old daughter na si Fiore. But Alex is a friendly soul pero mapili nga lamang pagdating sa kanyang mga itinuturing na tunay na kaibigan at kasama na rito ang actor-producer, celebrity endorser at entrepreneur na si Piolo Pascual at ang actor-comedian na si Empoy Marquez.

Kina Piolo at Empoy ay naipapakita niya ang totoo niyang pagkatao at tanggap ng mga ito ang totoong siya at tunay niyang ugali.

Kapag siya’y nakikipagkaibigan, she also give it her all kaya nasasaktan siya kapag ang friendship na `yon ay hindi nagtatagal due to mistrust.

Kapag ayaw ni Alex ang isang bagay ay transparent siya rito kaya kilala siya sa kanyang pagiging totoo.

Alex is among the busiest hindi lamang bilang actress kundi pinasok na rin niya ang larangan ng pagsusulat, directing and producing na kanyang ini-enjoy.

“I never imagined myself na magsusulat, magdidirek at magpu-produce ng pelikula,” pahayag niya nang ito’y aming makapanayam sa aming online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

Although hands-on ang kanyang nakatatandang kapatid na si Assunta sa pagiging wife and mother, umaasa siya na muli itong magiging aktibo sa kanyang acting career dahil sa pagiging mahusay nitong actress.

“With Assunta kasi, family is her top priority at hindi naman niya kailangang mag-trabaho to earn a living kaya magkaiba kami,” pag-amin pa ni Alex na may bagong tumatakbong series on Netflix, ang “Replacing Chef Chico” alongside Piolo Pascual and Sam Milby. Ito’y bukod pa sa “What If” movie nila ni J.M. de Guzman na streaming din on Netflix. May upcoming Metro Manila Film Festival movie din siya, ang “Firefly.”

“I hope to be busier next year,” asam pa ni Alex who transformed into an award-winning actress bukod pa sa kanyang tagumpay bilang director na kanyang pinatunayan sa “My Amanda” na pinagtambalan nila ni Piolo.

Si Alex ay balik-tambalan with Empoy Marquez sa isang sitcom on Net25, ang “May for Ever” simula sa buwan ng January 2024.

Kim at Paulo muling magsasama

MULING magkatambal ang “Linlang” stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa Philippine adaptation ng 2018 Korean TV series na “What’s Wrong with Secretary Kim” na pinamamahalaan ni Mark Sicat de la Cruz at joint production ng ABS-CBN and VIU streaming app.

Ang original Korean hit TV series ay tinampukan nina Park Seo-joon at Min-Young Park at pinamahalaan ni Park Joon-hwa at ipinalabas nung 2018. Ang Philippine adaptation ay matutunghayan early next year.

Bukod kina Kim at Paulo, kasama rin sa serye sina Janice de Belen, Romnick Sarmenta, Pepe Herrera, Angeline Quinto, Franco Laureal, Yves Flores kasama sina Gillian Vicencio, Kaori Oinuma, JC Alcantara, Cai Cortez, Phi Palmos, Kat Galang, Brian Sy at Kim Won Shik.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo, on X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE