
6 sugatan sa QC fire
ANIM ang sugatan, kabilang ang apat na menor-de-edad, sa sunog na tumupok sa bahay na ginawang pabrika sa Quezon City noong Lunes.
Sa ng National Capital Region-Bureau of Fire Protection (NCR-BFP), sumiklab ang sunog dakong alas-4:53 ng umaga sa dalawang palapag na bahay sa Brgy. Gulod.
Nagtamo ng mga paso sa paa ang apat na mga menor de edad ng tumakas sa nasusunog na bahay.
“Karamihan sa mga sugat nila ay sa paa,” ayon ka Brgy. Public Safety Officer Welda Dacio sa isang panayam.
Umabot sa unang alarma ang apoy at naapula bandang 5:29 ng umaga, ayon sa ulat ng BFP.
Nagmula ang apoy sa unang palapag ng bahay na ginawang pabrika ng mga patch ng damit ng may-ari. Inaalam pa ang sanhi at halaga ng pinsala sa sunog.