Default Thumbnail

5 patay, 200 naospital sa diarrhea outbreak

June 19, 2021 Zaida I. Delos Reyes 516 views

AABOT sa lima katao ang nasawi habang nasa 200 iba pa ang isinugod sa pagamutan makaraang makaranas ng diarrhea kamakailan sa Monkayo, Davao de Oro.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Monkayo Mayor Ramil Gentugaya na nitong Biyernes ng gabi ay umabot na sa 212 ang kaso at lima na ang nasasawi kabilang ang tatlong anyos na bata.

Ang iba pang binawian ng buhay ay nagkaka-edad ng 41, 78, at 88.

Umakyat naman sa mahigit 200 ang nakaranas ng pagtatae o diarrhea sa Barangay Pasian.

Dahil dito ay isinailalim na ang Brgy. Pasian sa state of calamity.

Ilan sa mga kaso ay iniulat nitong Biyernes matapos na dumanas ng pagsusuka at grabeng pagdudumi ang mga biktima.

Napag-alaman na ang mga biktima ay kumukuha at umiinom ng tubig mula sa ‘water reservoir ‘sa kanilang lugar .

Ayon sa ulat, ang water sample na sinuri mula dito ay nagpositibo sa coliform na posibleng sahilan ng outbreak.

Kaugnay nito, pinayuhan ng mga awtoridad ang mga residente sa lugar na huwag munang uminom ng tubig galing sa water resevoir sa loob ng limang araw at hintayin ang ipapamahaging tubig ngnlokal na pamahalaan.