Ynares

44-talampakang ‘Yes’ Christmas Tree pinailawan sa Antipolo City

December 7, 2021 People's Tonight 336 views

Lighted Water Fountain, tampok sa pagbubukas ng Sumulong Park

ANTIPOLO City, Rizal: Dalawang higanteng selebrasyon ang idinaos nitong nagdaang Lunes, nang pormal na pailawan ang mahigit 40-talampakang Christmas Tree na gawa sa recycled products, at ang pagpapasinaya sa Lighted Water Fountain na bagong atrakasyon sa sa newly renovated na Sumulong Park.

Ang 44-na talampakang Christmas tree ay tumatalima sa Ynares EcoSystem (YES) to Green Program. Binubuo ito ng 37,000 na pirasong recycled pet bottles na ginamit bilang decorative flowers at ornaments. Nakalagay naman ang Belen sa ilallim ng Christmas tree

Pinangunahan ni City Mayor Andrea “Adeng” Ynares at Rizal Governor Rebecca “Nini” Ynares ang event na may temang “Mas Maliwanag ang Pag-asa at Mas Masaya ang Pasko sa Antipolo!”

Nakasulat naman sa Christmas Tree ang salitang “Hope” na pagpapaalala na may pag-asa pa sa likod ng pagsubok na dala ng pandemya dahil sa COVID-19.

“Kailangan lagi nating tandaan na kahit anong pandemya, lagi tayong may pagasa,” sinabi ni Mayora Ynares.

Kwento ng Mayora, inabot ng hanggang apat na buwan ang paghahanda nila sa Christmas Lighting.

Kasabay naman nito ang pormal na pagbubukas ng Sumulong Park na kung saan ay dagdag na atraksyon ang Lighted Water Fountain.

Inimbitahan pa ni Mayora Ynares ang mga karatig bayan at munisipalidad maging mga taga-Metro Manila na saksihan ang ganda nito.

Todo bantay naman ang Philippine National Police sa event, kung saan natupad naman ang minimum health protocols tulad ng social distancing at pagsusuot ng facemasks.

“Pwede naman magpunta dito basta’t susundin lang lagi ang protocols,” sinabi ni PLt.Col. Juan Paolo Abrazado, hepe ng Antipolo PNP.

Inilabas naman ng Antipolo LGU ang schedule na bukas sa Sumulong Park kung saan hinatinito sa 8:00 AM to 8:30 AM; 10:00 AM to 10:30 AM; 12:00 PM to 12:30 PM; 5:00 PM to 5:30 PM; at 6:00 PM to 8:00 PM.

Nilagyan ng mga puwan na oras para magkaroon ng pagkakataon na malinis at madisinfect ito o ang paligid.

“Ang ating pong paalala, ugaliin pa rin sumunod sa mga health protocols para sa isang masaya at ligtas na Antipolo,” sabi ni Mayora Ynares.

AUTHOR PROFILE