
4 na ‘tulak’ laglag, P4.7M shabu nasamsam sa Cavite buy-bust
NADAKIP ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang apat na suspek na tulak sa buy-bust sa Bacoor City, Cavite noong Sabado na nagresulta sa pagkakakumpiska ng P4.7 milyong halaga ng shabu.
Ayon sa PDEA na pinamumunuan ni Director General Isagani Nerez, bandang alas-4:30 ng hapon ng mahuli ang mga akusado sa entrapment sa parking lot sa Brgy. Molino IV, Bacoor City.
Kinilala ang mga nadakip sa mga alias na Kumar, 34; Samiha, 33; Aisah, 21; at Alaisah, 19.
Nakuha sa mga akusado ang mahigit-kumulang na 700 gramo ng pinaghihinalaang shabu at buy-bust money.
Nakakulong na sa PDEA lock up facility sa Sta. Rosa City ang apat na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).