Lito Lapid

333 kabalen sa Macabebe may ayuda mula sa DSWD

June 22, 2024 People's Tonight 80 views

NASA 333 benepisyaryo ang nakinabang sa ayuda mula sa programang Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) ng DSWD na isinagawa sa Macabebe, Pampanga nitong Huwebes, June 20, 2024.

Sa pamamagitan ng opisina ng inyong abang lingkod, Sen. Lito Lapid, tumanggap ng tig-3,000 piso bawat benepisyaryo na kinabibilangan ng senior citizens, PWDs at iba pang sektor sa coastal areas ng Macabebe, Pampanga.

Inaasahan po natin na makatutulong ang ayudang ito upang maitawid ang pangangailangan ng mga benepisyaryo.

Kasama po ng inyong lingkod sa nasabing payout sina Macabebe Mayor Leonardo B. Flores at Vice-Mayor Vince Edward Flores sa isinagawang payout.

Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa inyong butihing senador at mag-amang Flores na naging tulay para sa napapanahong ayuda sa kanila. Ni Lito Lapid

#senadorlitolapid #BidangMasa

AUTHOR PROFILE