
300 pulis ipadadala sa Cotabato City
AABOT sa 300 dagdag na pulis mula sa Police Regional Office Bangsamoro at Special Action Force (SAF) ang ide-deploy sa Cotabato City para tumulong sa pagbibigay seguridad sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo na ang election-related incident (ERI) na ikinasawi ng tatlong indibidwal, kabilang ang dalawang kandidato sa pagka-barangay kagawad, ang dahilan kung bakit may dagdag pwersa ng pulis sa naturang lugar.
Sinabi ni Fajardo na magmumula sa Reserve Force ng Bangsamoro police ang mga ipadadalang pulis na titiyak ng seguridad sa lungsod.
Magde-deploy rin ng mga tauhan ang PNP Special Action Force at Philippine Marines.
Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa Yellow Category ang Barangay Rosary Heights 12 kung saan naganap ang insidente pero posible itong itaas sa orange o red category.