DPWH

Nueva Ecija-DPWH magde-deploy ng Lakbay-Alalay teams para sa Undas

October 26, 2023 Steve A. Gosuico 249 views

LUNGSOD NG CABANATUAN–Maglalagay ang Department of Public Works and Highways (DPWH)-2nd Nueva Ecija Engineering District sa bayang ito ng tatlong team na tutulong sa mga motorista sa susunod na linggo para sa All Saints’ Day sa Nob. 1.

Sinabi ni Nueva Ecija 2nd District Engineer Elpidio Trinidad na muling i-dedeploy ang tatlong teams, na tinaguriang “Lakbay Alalay, sa mga lugar na sakop ng ikatlo at ikaapat na distrito ng lalawigan simula alas-8:00 ng umaga ng Oktubre 31 hanggang alas-5:00 ng hapon sa Huwebes, Nobyembre 2.

“Nag-submit na kami ng schedule ng mga tao sa regional office namin kung sino ang naka-assign sa bawat segment na ilalagay na teams hanggang sa matapos ang Lakbay-Alalay program natin,” saad ni Trinidad.

Binubuo ng unipormadong field at crew personnel ang DPWH “Lakbay Alalay” na may nakaantabay na maintenance equipment para magbigay ng emergency assistance sa mga biyahero.

Titiyakin din ng mga teams na maayos at walang sagabal at lubak ang mga kalsada, lalo na doon sa ruta papunta sa mga sementeryo.

Inihayag din ni Trinidad na ipatutupad nila ang temporary stoppage ng lahat na mga construction works sa mga lugar na nasasakupan niya.

AUTHOR PROFILE