Manila

30 dedicated workers kinilala ng Maynila

July 31, 2023 Edd Reyes 280 views

NAMAHAGI ng certificate of recognition ang Manila City Council sa mga kawani ng lungsod dahil sa ipinakitang dedikasyon sa serbisyo publiko kasabay ng pagdiriwang ng ika 122 anibersaryo ng pagkakatatag sa Konseho Lunes ng umaga.

Pinangunahan nina Acting Mayor at Presiding Officer ng Sangguniang Panlungsod John Marvin “Yul Servo” Nieto at Secretary to the City Council Atty. Luch Gempis, Jr ang pamamahagi ng gawad pagkilala at cash gift sa halos 30 kawani na naglingkod ng tapat sa Konseho sa loob ng 19 hanggang 35-taon sa Bulwagang Antonio Villegas.

Kabilang sa mga binigyan ng Gawad Parangal dahil sa kanilang 10-taon sa serbisyo publiko sina Angelito Adajar, Ronald Mijares, Edmundo Gustilo, Jr. , Michael Zarcal, Elsilei Tumaneng, Maryjane Bobadilla, Jerry Gratil, Carlo Bernardo, Sheila Parcelon at Atty. Rolando Aquino.

Tumanggap ng pagkilala dahil sa 15-taon serbisyo public sina Cesar Nuqui at Ronald Dorado.

Tumanggap din ng pagkilala sa kanilang dedikasyon sa trabaho sa loob ng 20-taon Rhea Rodriguez, Priscilla Anne Beltran at Charito Rabago.

Si Reynaldo Bairan ang tumanggap ng espesyal na pagkilala dahil sa paglilingkod sa loob ng 25-taon habang kinilala sa pagtatrabaho ng tapat sa loob ng 30-taon sina Myra Ramos at Rizalino Dizon.

Ang mga umabot naman sa 35-taong pagseserbisyo na binigyan din ng Gawad Parangal sina Charito Rumbo, Isabelita Lucena, Hector Pascual, Estela Reyes, Leopoldo Magat, Fernando Raymundo, Jr. Gina Salgado at Teodora Fronda.

“Congratulations sa mga tumanggap ng city service award, sana ay maging halimbawa kayo ng isang lingkod bayan na umulan man o umaraw, tinutupad ang sinumpaang tungkulin na pagbutihin ang buhay ng iba ng walang pag-aalinlangan,” pahayag ni Acting Mayor Yul Servo.

Kasabay nito, inianunsiyo rin niya ang paglulunsad ng opisyal na website ng 12th City Council na gaganapin sa Ayuntamiento de Manila sa Intramuros.

AUTHOR PROFILE