TUPAD2 Ang representative at District Chief of Staff ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na si. Atty. Mark Stephen Reyes, in coordination sa Department of Labor and Employment (DoLE) na nirepresenta ni Chief of North Leyte Field Office Engr. Emmanuel de la Cruz, ay pinangunahan ang pamimigay ng ayuda sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa 2,000 benepisyaryo sa Tanauan Civic Center sa Tanauan, Leyte, Miyerkules ng umaga. Nasa larawan rin sina Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National Executive Vice-president Ma.Martina Gimenez at former Sanguniang Bayan Member Dr. Quintin Octa. Kuha ni VER NOVENO

2K manggagawa sa Tanauan nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng TUPAD program

July 10, 2024 Ryan Ponce Pacpaco 627 views

TUPADTUPAD1NASA 2,000 residente ng Tanauan Leyte ang pinagkalooban ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng assistance program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Miyerkules ng umaga.

Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P4,050 tulong pinansyal para sa 10 araw na pagta-trabaho sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Pinangunahan ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang payout sa Tanauan Civic Center Miyerkules ng umaga.

“Patuloy po ang pagbibigay natin ng ayuda sa ating mga kababayan na nasa mahirap na sitwasyon, tulad ng ating mga mangagawa na nawalan ng trabaho o kakarampot ang kita dahil na rin sa iba’t-ibang kadahilanan,” saad ni Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

“This initiative is pursuant to the vision of President Marcos under the spirit of Bagong Pilipinas. Sabi nga ng Pangulo, sama sama tayong babangon muli kaya naman ibinubuhos natin ang karampatang ayuda para sa mga nangangailangan,” dagdag pa niya.

Ang TUPAD ay isang community-based na inisyatiba na magbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga manggagawa sa impormal na sektor. Target nito ang mga underemployed, displaced marginalized workers o mga nawalan ng trabaho o kaya binabaan ang sahod.

Ayon kay Speaker Romualdez ang pagpapatuloy ng pamamahagi ng ayuda sa lalawigan ay pagtupad sa pangako ng Pangulong Marcos na ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa taumbayan.

Kinatawan si Speaker Romualdez ni Atty. Mark Stephen Reyes, ang kanyang district Chief-of-Staff.

Sabi ni Atty. Reyes na patuloy na nakikipag-ugnayan ang tanggapan ng House Speaker sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang masiguro ang kagyat na pagpapa-abot ng serbisyo at assistance sa mga residente sa kaniyang distrito at sa buong probinsya ng Leyte.

Maliban pa aniya ito sa mga inisyatibang inilunsad ni Speaker Romualdez upang tulungan ang mga sektor na humaharap sa iba’t ibang hamon.

Kabilang dito ang Cash and Rice Distribution (CARD) program para tulungan ang vulnerable sector na kinabibilangang ng indigent senior citizens, PWDs, single parents, Indigenous Peoples (IPs) at near-poor families; Integrated Scholarships and Incentives Program (ISIP) for the Youth para umagapay sa mga financially disadvantaged na mag-aaral sa buong bansa; at SIBOL o Start-up, Incentives, Business Opportunity and Livelihood program para naman sa mga maliliit na negosyo.

Dumalo sa pamamahagi ng tulong si Engr. Emmanuel de la Cruz, Chief ng North Leyte Field Office ng DOLE, Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National Executive Vice-president Ma.Martina Gimenez at dating Sangguniang Bayan Member Dr. Quintin Octa.

AUTHOR PROFILE