PRC Larawan: PRC

2,740 nakapasa sa CPALE

October 7, 2023 People's Tonight 179 views

INANUNSYO ng Professional Regulation Commission (PRC) na 2,740 mula 8,734 examinees ang pumasa sa Certified Public Accountants Licensure Examnination (CPALE) na ibinigay ng Board of Accountancy sa iba’t ibang lugar sa bansa noong Setyembre 2023.

Ang mga miyembro ng Board of Accountancy na nagsagawa ng pagsusulit ay sina Noe G. Quiñanola, chairman; Samuel B. Padilla, vice chairman; Gloria T. Baysa, Thelma S. Ciudadano, Gervacio I. Piator, at Maria Teresita Z. Dimaculangan, mga miyembro.

Nanguna sina Allain Collamar ng University of the Philippines – Visayas – Tacloban City at Hebban Tawantawan ng University of San Jose – Recoletos na parehong nakakuha ng 91.17 percent.

Pumalo sa 31.37 percent ang passing rate, higit na mas mataas kaysa sa 25.84 percent passing rate noong October 2022 CPALE record.

Maaaring ma-access ang buong listahan ng mga nakapasa sa pamamagitan ng link na ito: CPA0923-ALPHA.pdf 

https://drive.google.com/file/d/1HVK4cKSEmWj3WGoDkT-cuutDbqHx23gC/view

AUTHOR PROFILE