Lacuna-Servo

2,500 jobs sa Kalinga sa Maynila sa Wed

March 5, 2024 Edd Reyes 172 views

MAHIGIT 2,500 job openings ang naghihintay sa mga Manilenyong walang kayod sa job fair sa Miyerkules sa Sta. Mesa, Maynila.

Sentro ng Kalinga sa Maynila ang job fair sa pangunguna nina Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto na magsisimula alas-8:00 ng umaga sa kanto ng Reposo at Old Sta. Mesa Sts. sa Sta. Mesa.

Ayon kay Manila Public Employment Service Office (PESO) Director Fernan Bermejo, malaking oportunidad sa mga Manilenyo ang isasagawang job fair sa tulong ng Department of Labor and Employment-National Capital Region.

Ilan sa mga inaalok na trabaho ang labor relations supervisor, admin supervisor, company nurse, HR officers, promo merchandising supervisors, report supervisor, report analyst, accounting staff, cashier, factory worker, delivery driver, barista, dining staff at marami pang iba.

Ayon pa kay Bermejo, dapat magsuot ng casual attire, magdala ng 10 kopya ng kanilang resume, sariling ballpen, at sumunod sa mga ipinaiiral na public health protocols ang mga nagnanais lumahok sa job fair.

Hinimok ni Mayor Lacuna-Pangan ang mga residente ng Barangays 587, 587-A, 588, 589 at 599 na samantalahin ang pagkakataong magtungo sa Kalinga sa Maynila para matugunan kaagad ang kanilang mga kailangang lakarin na dokumento.

AUTHOR PROFILE