Election

2025 elections

April 26, 2023 People's Tonight 707 views

NGAYON pa lang ay naghahanda na ang pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) para maging “transparent” ang darating na 2025 national at local polls.

Hindi lang ‘yan ang gustong mangyari nina Comelec Chairman George Erwin Garcia, na isang kilalang election lawyer bago napunta sa poll body, sa susunod na halalan.

Pinag-uusapan na ng mga opisyal ng Comelec ang pagkuha ng mga kagamitan na may “high-speed scanning capacity and at least 13-inch screens,”ayon kay Garcia.

“We want to use a technology where the machine will transmit to concerned party all at once at the same time. We also want to have a big screen so that the voter will be able to see the whole ballot on the screen,” said Garcia.

“I cannot see more transparency than that,” sabi ni Garcia sa isang forum na ginanap sa Manila noong Martes.

Sa ilalim ng nasabing automated system, sinabi pa ni Chairman Garcia na ang botante ay puwede pa niyang kunan ng picture ang balota “and later on do their own counting.”

Ayon pa kay Garcia, ang pagbili ng mga high-tech poll machine ay naglalayong mapabilis ang paglabas ng resulta ng halalan sa 2025 at sa mga susunod pang political exercises.

Huwag na nating ibalik ang manu-manong pagboto at pagbilang ng mga boto, pero kailangan namang siguraduhin na mabibilang naman ng tama ang ating mga boto.

Hindi dapat magpatuloy ang mga milagrong nangyayari tuwing may eleksyon sa Pilipinas.

Kaya nasa tamang landas ang mga opisyal ng Comelec sa kanilang ginagawang paghahanda para sa darating na 2025 national and local elections.

AUTHOR PROFILE