
2′ ‘tulak’ nabuking dahil jobless na, galante pa
DALAWANG mangingisda ang nagbago ng propesyon bilang umano’y tulak ang kinalawit ng pulis sa buy-bust operation Sabado ng gabi sa Navotas City.
Tinatanggap nina Ronaldo Jorge, 53, at Darwin Clemente, 29, ng A. Cruz St. Brgy. Tangos South ang P500 marked note kapalit ng ibinenta nilang shabu sa pulis na nagpanggap na buyer nang arestuhin.
Sa ulat na tinanggap ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation laban sa mga suspek dakong alas-11:15 ng gabi sa tapat ng kanilang bahay.
Napag-alaman na ilang linggo nang hindi pumapalaot para mangisda ang dalawa subalit sa halip na kapusin sa pera, naging galante pa matapos magpasyang luminya sa pagbebenta ng droga.