200K NA HALAGA NG SHABU NARECOBER NG MPD, 3 KELOT ARESTADO SA BASECO AT TONDO
NATIMBOG ng mga operatiba ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe ng MPD- station 13 ang dalawang indibidual na suspek na may kinalaman sa iligal na bentahan ng droga sa Barangay 649 Baseco Compound Port Area, Manila madaling araw nitong linggo
Dahil dito, pawang nahaharap kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II of R.A. 9165. ang dalawang suspek,
Ayon sa ulat ni Police Captain Harold Celestra , hepe ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU) pasado ala 1;10 ng madaling araw ng ilatag nila ang operasyon sa Blk.1 Dubai, Baseco Compound,kung saan nag positibo ang operation at agad na naaresto sina alyas Ismael,,48 ,membro ng BCJ gang at isang Rannie 35 kasalukuyang naninirahan sa Blk.1 Dubai, st,at Gasangan Staging area Brgy.649, Baseco Compound, Port Area, Manila;
Narekober din ang ginamit na marked money ilang pirasong nasa plastic sachet ng shabu na nasa 5.1 gramo na katumbas sa halagang P34, 680.00..
Samantala arestado din ang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang isang lalaki matapos mabitag sa inilatag na buybust operation ng Manila Police District Delpan Police Station 12, sabado din ng madaling araw sa Purok 1 Isla Puting Bato , Barangay 20, Tondo, Manila
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Restito Acohon, Station Commander ang suspek na si alyas ” Oseng” 26 anyos , tubong South Cotabato ,at nanunuluyan sa Block 16 , New Site , Barangay 649 , Baseco Compound , Port Area, Manila.
Batay sa ulat ni Police Captain Tristan De Lara, hepe ng SDEU bandang 1:45 ng madaling araw nang ikasa nila ang isang operasyon sa nasabing lugar.
Nakuha mula sa suspek ang 25.0 gramong hinihinalang Shabu na may street value sa halagang P170,000.00.
Dahil dito, kasong paglabag sa Sectiom . 5 at 11 (Sale and Possession of Dangerous Drugs) Art. II, RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002)ang kahaharapin ng suspek.