
2 suspek sa droga tiklo sa 3k grams ng shabu
TIMBOG ang dalawang babaeng drug suspek ng Intelligence Unit/City Drug Enforcement Unit at Philippine National Police Drug Enforcement Group-Special Operations Unit dahil sa 3,000 gramo ng shabu na nagkakahalaga P20.4 milyon sa Sitio Kapaping, Brgy. Basak, Lapu-Lapu City.
Ayon sa Intelligence report, nagbabagsak ng 5,000 gramo ng shabu kada linggo sa ilang lugar ng Mandaue at Cebu City ang dalawang suspek.
Dahil dito pinuri ni P/BGen. Anthony Aberin, PNP Region 7 chief, ang mga pulis dahil sa mapayapang pag aresto sa mga suspek.
Inihahanda na ang mga dokumento para sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa sa dalawang suspek.
Samantala, umabot sa mahigit P8 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska mula sa drug suspect na electrician sa Talisay City noong Mayo 10.
Ayon kay Police Regional Office 7 director P/BGen. Anthony Aberin, isinagawa bandang alas-4:33 ng umaga ang buy bust ng Talisay City Police Station, Cebu Police Provincial Office (CPPO) sa Sitio San Rafael, Brgy. Tangke, Talisay City, Cebu,
Narekober sa suspek ang 1.2 kilo ng shabu na may street value na P8,160,000 kasama ang buy bust money, mobile phone, cash, plastic containers, backpack at isang Yamaha Mio Sporty.