Posas

2 suspek na tulak timbog sa Rodriguez

October 13, 2023 Jojo C. Magsombol 199 views

KAMPO MAJOR/HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa buy-bust sa Bgy. Rosario, Rodriguez, Rizal noong Huwebes.

Nakilala ang mga natimbog na sina alyas Macky at alyas Itlog, ayon sa report ni Acting Rizal Provincial Director Col. Rainero M. De Chavez kay Acting Police Regional Office Calabarzon Police Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas.

Naaresto ang dalawa bandang 9:50 ng gabi sa Bgy. Rosario nang magsagawa ng buy-bust ang mga tauhan ng Rodriguez Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakumpiska sa dalawa ang apat na plastic sachet na may shabu at may bigat na 2.4 gramo at nagkakahalaga ng P16,320; buy bust money, limang P100 bill, at isang revolver, ayon sa mga pulis.

Nakumpiska naman mula kay alyas Itlog ang anim na bala ng kalibre 22 at isang itim na body bag.

AUTHOR PROFILE