Tulak

2 suspek na tulak nasakote

April 14, 2025 Jojo C. Magsombol 156 views

DALAWANG hinihinalang tulak noong Biyernes ang naaresto ng mga pulis sa isang police operation sa Sitio San Lorenzo, Brgy. Hulo, Pililla, Rizal.

Sinabi ni Rizal police director P/Col. Felipe Maraggun na nagsagawa ng buy-bust ang Pililla police at nasakote sina alyas Inad at Easnie.

Nakuha sa kanila ang 2.8 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P19,040, buy-bust money, cash, cellphone, Yamaha Mio (DS 1632), cal. 38 pistol at tatlong bala.

Nakaditine ang mga suspek sa kulungan at sasampahan ng mga kasong paglabag sa RA 9165 and RA 10591.

AUTHOR PROFILE